Champorado
Mga sangkap
1 tasa bigas na malagkit
5 tasa tubig
1/2 kutsarita asin
1/2 tasa cocoa
1/2 tasa asukal(#3)
2 dahon ng pandan
Gatas na evaporada
Paraan ng pagluluto
1. Hugasan ang bigas na malagkit
2. Ilagay sa kaldero ang 5 tasang tubig, 1/2 kutsaritang asin, malagkit (hugas na) at dahon ng pandan.Pakuluan at haluin upang hindi magtutong.
3. Lusawin ang cocoa sa 1/4 tasa mainit na tubig at idagdag sa kaldero.
4. Kapag luto na ang malagkit at malapot na ang sabaw idagdag ang asukal.
5. Lagyan ng gatas na evaporada ang champorado bago kainin.